Raking Leaves

Share
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

This is not a poem.

I was raking  leaves at the backyard when I noticed the shapes varied and realized how diverse they look. Piece by piece,  they got stuck to the steel edge;  as I pulled and gathered, piled and plucked.

Leaves. They are like people – they have many colors, some are the same as others,  a few are distinct. Most of which are dead, dried, decomposed, and returning to the ground. Some forcefully severed from healthy branches, only to lie amongst the dead ones, and soon perhaps, will turn as brown and as wasted.

I imagine how the journey of mankind is likened to a leaf’s. At some point you are robust and green in your youth, then as Autumn claims its stake, you turn golden and orange, too bright and too warm until Fall, then life gets you burned, you start to weaken at old age and become anxious about what lies beyond. As you expose yourself with the lies that you were told to believe, later on you will  start to detach your self from a wicked system that society forces on everyone.

And you  succumb and die. Like dead leaves.

We all fall down to the ground, leaves and people.  We all return to our source and Creator after we have shone in our brightest colors. Some of us fall earlier in green, quite unprepared and unready. Yet, in the end, winter always come, but those who are unafraid of the bitter coldness, are just asleep. Until they awaken to another summer.

This is not a poem. I am just raking leaves.

Katahimikan

Share
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ako lang ba ang nakadinig,
Ng iyong pagtangis sa kabila
ng mga halakhak at pagtawa?
Ako lang ba ang nakabasa
Sa iyong pagkabalisa?
O sadyang guni-guni lamang
Ang lungkot sa iyong mata?
Ako lang ba ang nakakita
ng malayo mong tanaw
sa kawalan, tila walang patutunguhan?
Baka naman ang iyong katahimikan
ay sadyang mapaglinlang?
At ako ay tila ba napaglaruan-
ng malalim mong isipan?
Marahil ako nga lang…

Limbo

Share
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

I came to save you but in the end,
I needed to save myself;
This place is heaven and hell,
This path is not for the weak of heart;

And I am just learning to swim,
blinded with the idea that an act of heroism can
somehow make it easier for us,
but this war was never meant for winning.

Lukewarm zone, temporary bliss,
I lost my life for a momentary kiss-
What an ironic twist, this is,
It was all a mirage, indeed.

Edited

Share
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Daig pa ng kunyaring ulap
tumakip ang  hangin, at hangarin-
sa gitna ng alapaap
parang litratong di tunay-
pilit na sinikap paglapitin
kapangayarihan ng Photoshop
ngunit ang mga patlang sa gitna
na pilit mang tanggalin,
at pagugnayin –
ay ukol sa pagkakaibang di man mapapansin,
langit at lupa, bata – matanda,
mayaman – dukha,
nakahawlang mga kaluluwa,
walang bukas na naghihintay,
Mapagkunwaring pag-uugnay-
sa larawan lamang maaring magpantay.

-Cricket

Langit at Lupa.
Tula sa Tagalog.

11:11

Share
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isang libo, isang daan at labing-isa,
Paulit ulit ka bang magpapakita?
At ako ay minsang nagtataka,
Kung bakit tila may mensahe ka;

Matapos ang saliw ng musika,
At kung saan-saan man mapako,
Itong balisang isip at mata,
Ay hindi na kayang maitago-

Isang libo, isang daan at labing isang
Pangitain na nagbabadya kunwa,
Ng kapalarang di maaninag,
Dilim sa ilalim ng iyong liwanag.

“Kathang isip nga ba ng makatang isip?”

-Cricket

Summer Haiku

Share
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

I love the sound of rain,
like the thumping of my heart when you are close to me.
It reminds me of the synergy of nature-

and the rebirth of life
as each drop of rain resurrects seeds
from the parched arid land.

Rain refreshes my mind after a long summer day,
of waiting for you,
days become like a lifetime.

Remember we met one rainy day?
I don’t get tired of raindrops,
I don’t mind waiting.

*unconventional haiku freeverse

-Cricket

Jigsaw

Share
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Fall for a god,
What greater wrath brought it naught,
To see the sun serenade the stars,
Whilst the moon is left distraught;

Watch the face of death,
Know the taste of love,
Is it not farce that meeting such,
Tears become laughter in the mouth?

Beauty is in love and death,
Seers and prophets view its form,
Eternal as sunrises and sunsets,
Maketh paradise its home.

Die if you must, live if you dare-
Cast your lots then, In this ambiguous affair.

 

-Cricket

A sonnet inspired by Will, and his  undying love for Alice.

Gabay

Share
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Maliit pa lang ako ay lagi na akong binabantayan ng aking mga magulang dahil madali akong madapa. Sabi nila ay “flat footed” ako. Sa totoo lang, ako ay “clumsy” at “awkward” dahil minsan, masyadong  mabilis ang takbo ng aking isip kaysa sa aking katawan. Maliit pa lamang ako ay ako ang  paboritong laruan ng aking mga Tito at Tita. Kasi ay mabilis ko daw makabisado ang lahat ng bagay na itinuturo nila sa akin. Kabisado ko pa ang Tagalog na “tongue twister” na naituro sa akin nuong “three years old”  ako. “Isang dalawang tikling, malapat sapat tingga, bibit, kalabit, punyal, puslit” ito ang tinuro ng aking Tita Lolet na mahal na mahal ko maliban sa aking ina at kay Mama Jo, na nagpaaral sa akin nung college.

Lagi akong nag uuwi ng medalya kaya si Mama ay napagod na sa pagpanik sa stage. Minsan, sina Tito Jess na ang nagsasabit ng medalya ko kasi wala na akong tatay.  Lalo na pag hinhakot ko ang ibang “awards” sa pagsulat at ibang activities sa school (maski sa arts at sa giftwrapping.)

Hindi ko alam kung bakit sa aking sarili ay gusto kong laging manalo at makapag-uwi ng kasiyahan sa aking magulang. Minsan ay sadyang mahilig lang talaga ako magbasa at mag-aral kaya sabi nila ay “expected” na nilang “running for honors” ako. Hindi naman ako perpekto. Nagkakamali din ako. Tulad nga ng sinabi ko ay hindi ako kasing tibay ng ibang bata sa takbuhan at sa paglalaro. madaming peklat ang naging mistulang alaala ng mga oras na ako ay bumabagsak sa lupa.

Masakit ang bawat pagbagbagsak. Ngunit pilit pa din akong bumabangon. Madalas din akong ma-bully ng mga tao kasi hindi ako mahilig gumanti or lumaban sa mga bata (at sa mga taong nakakasalamuha ko nung matanda na ako). Ngunit minsan sa buhay ng isang tahimik at mapag-isip na batang katulad ko ay may mga halimaw na pilit akong hinahamon at ang munting boses na nagpupumiglas upang ako ay lumaban ay unti unting lumalakas.

Nang ako ay mag-asawa, naranasan ko ding mabuhay na nakikisama sa ibang tao. Dito ko natikman ang lahat ng hirap at pagsakit ng damdamin dahil ako ay sadya ngang tahimik at di lumalaban. Pero dahil mahilig ako makipagpaligsahan sa ibang tao at aking sarili, ay nilabanan ko ang mga pagsubok sa gitna ng aking maagang pagmulat sa buhay. Pilit nila akong nilulugmok dahil sa king pagkakamali, ngunit dahil alam kong may nagmamahal sa aking Diyos ay unti-unting napatunayan ko na mali ang mga taong nanakit sa aking damdamin. Parang may nagbabantay sa akin tuwing ako ay malapit nang sumuko at bumigay. Siguro ay alam ng Diyos na ginagawa ko naman ang aking kaya at di ako nag-iisip na gumanti sa mga taong umapi sa akin. Siya na ang gumawa ng paraan upang malupig ang mga salbahe na nakapaligid sa akin. Maaring binabantayan din ako ng aking ama, na matagal nang nagpahinga sa mundo.

Ngayon na ako ay matanda na, at puno pa din ng pakikibaka ang aking buhay, maaring magpalit-palit man ng anyo ang mga halimaw at pagsubok sa aking paligid. Maaring mas malalaki sila at mas mahirap labanan ng patas. Isang bagay lang ang alam ko – malalagpasan ko din ang lahat ng ito at hindi ko kailangang maging katulad ng mga taong ito. Bagkus ay magiging maunawain ako dahil mas nakakaawa ang mga taong hindi marunong umintindi sa kanilang kapwa. Makita man nila ang lahat ng aking kamalian at di nila makita ang lakas na nagmumula sa  aking kalooban, ay may gabay ako na palaging nagliligtas at nagbibigay pag-asa sa araw-araw. Sabi nga sa bibllia, paparusahan ng Diyos ang nang-aapi ng mga balo at mga anak nito. Maaring kaya madalas kaysa hindi ay kusang tumitiklop ang mga nagtatangkang maglagay ng balakid sa aking buhay. Nagpapakilala sa kanila ang lakas ng aking tagapagtanggol. Dahil lahat ng tao ay nagkakamali at ang buhay ay sadyang tungkol sa pagbangon pagkatapos ng bawat pagbagsak.

-He who owns courage may fail, but faith makes him invincible in front of his oppressors.  Look at David, he overthrew his monster in a single javelin throw. This is the kind of faith we need during these difficult days. 

Salamin

Share
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Maraming istorya ang hinabi ng matatanda. Isa na dito ang pagtingin sa salamin hawak ang isang kandila sa hating-gabi ng kabilugan ng buwan. Ayon sa kwento, ang isang pangitain ay maaaring maaninag sa salamin na magpapakita ng iyong kapalaran. Maaaring isang tao na magiging bahagi ng iyong bukas.

Ngunit sa kabila nito ay may naka ambang panganib ang pagsasagawa ng ganitong bagay at maaring maging daan upang mabuksan ang isang lagusan kung saan ang mga kaluluwa ng nakaraan ay sumabay sa paglabas sa salamin. Dala nito ang matinding pagdating ng di inaasahang mga pangyayari. Maari din namang magduktong ang nakaraan sa hinaharap at magdala ng alaala na pilit na humahanap ng puwang sa kasalukuyan.

Isang kwento na kung iisipin ay di na maaaring mangyari sa panahon ngayon, kung kailan ang tao ay alipin na ng mga kaalamang nagdala na sa kanya sa kalawakan at sa ibang planeta, at ang pagsulpot mga samut-saring gamit na ngayon ay halos nagduduktong ng mga taong nasa malayong lugar, sa isang kisapmata.

Kahapon lamang ay nanood ako ng isang pelikula na nakakatakot. Halos maubos na nga ang boses ko sa pagsigaw habang tinataga ng isang halimaw na tao ang kanyang mga biktima. At maaring dahil dito ay sobrang himbing ang aking pagtulog ng gabing iyon, dala ang takot at di mawaring pagkagulat. Sabi nila, ang panaginip daw ay may dalang mensahe. Ikatlong araw nang paulit ulit ang aking panaginip. Ganoon pa din. Isang bahay na maraming kwarto. Nanduon ang aking pamilya, at nakatira kami sa isang “apartment” na may magkakatabing kwarto. Nakita ko ang may-ari ng bahay, nasa kabilang kwarto katabi ng aming tinutulugan. Kilala ko ang taong ito. Ngunit kahit nakikita nya ako at nakikita ko din sya ay parang magkaibang panahon kami dahil hindi kami nag uusap. Ni hindi nya ako tinitignan ngunit nakikita ko naman sya at kausap nya ang ibang tao sa aking panaginip.  Kagabi lamang ay ganoon na naman. Isang bahay lang nangyayari ang eksena. Nasa kwarto ako, lumabas ako sa salas at natanaw ko ang isang kwarto na nasa tabi ng aking tinutulugan. andun ulit sya, ngunit di ko sya kinakausap. Basta andun lang sya at parang may sariling mundo na hindi apektado kung ano ang aming ginagawa.  Ngunit sya ang may-ari ng bahay, at kami ay nakatira lamang.

Nagresearch ako sa ibig sabihin ng aking panaginip. Ang bahay ay simbolo ng iyong isip at kamalayan at ang kabuuan ng iyong pagkatao. Kung ano ang estado ng bahay ay estado ng iyong kalusugan (ng isip at katawan/kaluluwa). Ang bahay sa aking panaginip ay isang malinis na bahay, parang panahon ng Kastila. Ang mga sahig ay malinis at makintab, ang mga kwarto ay malaki at mayroong isang malaking komedor kung saan makikita mo ang lahat ng kwarto sa paligid. Doon sa isang sulok ay anduon ang taong pangatlong gabi ko nang nakikita. Sya ang nagmamay-ari ng bahay. Ngunit kung ang bahay ay simbulo ng sarili, maari bang ang taong ito ay naninirahan sa aking isip? Hindi naman ako nakakaramdam ng galit ngunit ako ay nagtataka kung bakit sya ang nagmamay-ari ng bahay na aking ginagalawan? Ha. masyado lang akong nanonood ng mga bagay na nakakatakot kaya siguro. Kailangan ko bang kaibiganin si Sigmund at si Carl, upang maintindihan ang naglalaro sa aking isip?

Hindi pa naman ako masyadong tumatawid sa katinuan ng isip kaya’t hindi ko na siguro tatawagin ang taong ito sa salamin. Bukas ay kabilugan ng buwan. Susubukan ko munang matulog ulit at baka sakaling mawala din ang paulit-ulit na panaginip ko. Hindi na din ako manonood ng mga nakakatakot sa gabi. Masyadong malikot ang aking imahinasyon. At lalong hindi ko na din gustong makakita ulit ng mga pangitain, sa panahon na ang tao ay alipin na ng teknolohiya.

-kathang isip, ng makatang isip.

Cricket

Attic

Share
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

I welcomed you and you were blind,
You’ve opened places
That were once shut-
You  broke rules and I,
just watched you from behind.

Take me away into your madness,
I  no longer fear nor run,
Roam and decipher,
Live and wander,
Within the attic of my (your) mind.

-Cricket